Tapos Na

Posted in Uncategorized on Marso 31, 2010 by carloislord

Napakaraming mga status updates na lumabas. Madaming mga notes. Madami lalong mga threads na nagawa. Isinulat, binuksan, para makapaglinaw sa napakaraming mga isyu na bumalot sa PUP nitong nakaraang dalawang linggo.

At dahil tapos na sila, ako naman. Ayos ba? hehe

Ayoko na mag-narrate tungkol sa mga nangyari. Alam na iyon nang halos lahat ng mga estudyante. Ang isyung pang-lokal ng PUP ukol sa pagtataas ng matrikula, ay naging pambansang kampanya para sa panawagan sa mas mataas na budget sa edukasyon. Nag-protesta, sinunog ang mga upuan, at ikinulong ang 5 estudyante. Tapos na ang BOR meeting, nakalaya na ang 5, wala nang TFI para sa Academic Year na darating. So ano pang sense ng mga sinasabi ko? Actually, gusto ko lang banatan yung mga estudyante na binabanatan ang kanilang mga kapwa estudyante.

Sa tingin ko ay naisulat na ito sa ibang sanaysay, ginamit na ring pamagat ang tema, pero gusto ko pa ring pag-usapan ang moralidad at etika ng naganap na protesta.

Barbariko ang tawag nila sa atin. Walang modo. Bastos. Astang halimaw. Radical.

Marami pa naman maaaring gawin. Marami pa naman raw paraan. Hindi tayo dapat nag-resort sa karahasan. Pinapapapangit lamang natin ang ating imahe sa napakaraming mga tao at mga kumpanya. Papaano na lang ang mga nakatapos nang mga Iskolar ng Bayan? At isa pa. Sayang ang mga upuan. Maaari pa itong gamitin, puwede pang pag-tyagaan. So bakit hinagis, bakit sinunog? Kaya nagagalit sa atin si Arn-arn. πŸ™‚

Napakaraming mga columns mula sa Philippine Star ang lumabas para kundenahin ang mga ginawa natin. Alex Magno, Danny Macabuhay, at Marichu Villanueva. Sila ang ating mga dakilang moralista. Tinawag tayong mga Maoist youths, walang common sense, at asal-HALIMAW. Isang tanong para kay Danny Macabuhay na tumawag sa atin nito, mayroon ba talagang mga halimaw na nag e-exist? Spatial at temporal beings na halimaw na ginamit niya as point of comparison? Baka naman sarili lamang niya itong mental construction. πŸ™‚

Nakagugulat na sa atin mismong pamantasan, mayroong mga estudyante na tinawag tayong Barbariko. Na para bang tayo pa ang mayroong kasalanan ng lahat nga mga nangyayari. Na hindi tayo dapat naghagis at nagsunog na mga upuan. Na napakarami pang paraan para solusyonan ang problema.

Ilang beses ko na rin itong naitanong. Pero gusto ko pa rin ulitin. Sa isang pamantasan na wala nang planong pag-aralin ka dahil sa taas ng tuition, alin ang mas marahas: Ang simbolikong pagsusunog ng mga sirang upuan bilang protesta, o ang pagpapabaya ng administrasyon sa pag-aaral ng mga estudyante? Hindi ko kasi maintindihan, bakit pinag-iinitan ang pagsusunog ng upuan at hindi ang isyung nasa ating harapan?

Maraming disgustong pwedeng ipukol, pero mas maraming mga tanong ang pabalik nating ibabato. Sa ganitong kontektso, na tinatawag tayong mga imoral, sino nga ba ang nagdidikta ng moralidad? Papaano ba natin ipinag-iiba ang tama sa mali?

Ang sabi ni David Hume sa kanyang “Treatise of Human Nature”, hindi naman kasi ang ating reason o rationale ang nagdidikta sa atin ng ating gagawin. Hindi sapat ang rationale, dahil gumagamit ito ng non-secular na basis. Ang origin ng morality, ay passions and sentiments. Sympathy kumbaga. Mabagal ang rationale, hindi kayang sabayan ang human impulse and spontaneity. Halimbawa, kung nakakita ka ng taong ninakawan o ginagahasa, hindi ka na magpo-proseso sa utak mo kung anong gagawin. Impulse na natin na tumulong sa nangangailangan. Unless, manhid ka, o walang pakiramdam. Kung ilalapat natin ito sa konteksto ng protesta, na alam mo na may naka-ambang tuition fee increase, automatic sa atin ang pumalag at mag-aklas. Sinubukan naman natin makipag-usap. Sinubukan na natin ang halos lahat ng avenues para makipag-usap. Dialogue dito, consultation doon. Pero walang pumansin. So anong gagawin? E di mag protesta, mag sunog ng upuan nang mapansin. Simboliko ito. Kung papaano natin sinusunog ang mga bulok na pasilidad, tulad ng kung papaano natin susunugin ang mga polisiyang hindi para sa interes natin.

Sa “Thus Spake Zarathustra” naman ni Friedrich Nietzsche, sinabi na niya na ang kasalukuyang moralidad ay walang ibang itinuturo sa atin kundi maging pasibo at mahina. Dynamic ang tao, ever changing. Absolute ang dogma ng kasalukuyang morality, kaya hindi ito magsasalubong kahit kailan. Walang ibang paraan kundi sirain ang kasalukuyang moralidad para bumuo ng bago. Sa mga Nitzscheans, “revaluation of morals” ang tawag dito. Sa ating mga aktibista, pagbabagong panlipunan ito.

Walang nakinig sa atin nang sinabi natin na hindi maaaring magkaroon ng TFI sa PUP. Nagprotesta tayo pero walang pumansin. So anong gagawin? Para tayong itinutulak sa pader. Walang ibang pagpipilian kundi ang mag-aklas, maging mapangahas. Ang dating militante lang, barbariko na ngayon. Pero kaninong standpoint ba ang ginagamit nila? Standpoint ito ng ruling-class. Na nagtuturo sa atin na bawal tayong pumalag. Hindi pwedeng sumigaw. Kahit bulong ng pag-angal, bawal. Hindi tayo pwedeng magksaya dito. Gagawa tayo ng sarili nating tama at mali. Moral relativism ang tawag dito. Relativist na kung relativist, pero nakasandal tayo sa kapakanan ng halos 10,000 na mga bagong estudyante na papasok sa PUP. Nakasandal tayo sa mga pangarap nila na makapag-aral. Nakasandal tayo sa dasal ng kanilang mga magulang ng magandang bukas.

Ang sabi ng ating mga kritiko, “the end will never justify the means.” Even if we have already won the fight, it will never justify the fact that the means to achieve this victory was out of line. Pero, kaninong linya ba ang hindi natin pinansin? Moralista sila, pero para kanino ang morality na ipinipilit nilang isiksik sa atin? E papaano pala kung sinabi natin na mga pragmatists tayo? Na nakikita natin ang utility o kahalagahan ng ating ginawa sa mga makikinabang dito. Na ang pagsusunog ng mga upuan, ang pagiging barbariko, ay nagresulta sa pagkakabasura ng pagtaas ng matrikula. Ergo, the end now justifies the means.

Tapos na ang issue ng TFI para sa taon na ito, pero alam ko na babalik pa rin ito sa PUP, parang mga multo. Pero hindi tayo titigil sa pagiging barbariko. We will transcend the word’s dictionary meaning and create our own. Transgression ang tawag dito.

Kahit naman kasi kailan, hindi sasapat ang pagdadasal at pagsisindi lang ng kandila para maging akto ng paglaban.

Sana huli na ito. (muli, hindi ito stand ng buong party, ok?)

Posted in Uncategorized on Pebrero 28, 2010 by carloislord

Sa ilang mga bagay na itinuro as akin ng mga magulang ko, ito yung dalawa na sa palagay ko ay aakma sa panahon ngayon at sa sitwasyon na ating kinapapalooban sa panahon ng eleksyon sa ating pamantasan. Una, hindi raw ako dapat na basta-basta magbitiw ng mga salitang makasisira sa ibang tao lalo at wala akong kongkretong batayan upang suportahan ito. At pangalawa, hindi raw ako dapat manahimik lalo at may nakikita akong ginagawang mga kamalian at kalokohan sa aking paligid.

Ang hindi ko maintindihan ay ito, bakit nga ba sa panahon ng Student Council Elections, sumusulpot ang maraming paninira sa SAMASA Party na wala namang objective basis, at bakit lumilitaw ang isang grupo na nagpo-posturang para sa mga estudyante pero sa totoo ay lumilitaw lamang naman talaga sa panahon ng eleksyon upang makaluklok sa puwesto. Baka kaya hindi sila tinuruan ng mga magulang nila ng mga aral, o hindi lang talaga sila marunong makinig?

ANG SABI NG KILOS PARTY, ANG SAMASA PARTY RAW AY BINUBUO NG MGA “DESTRUCTIVE ACTIVISTS.”

Sa ganitong usapan, ang unang tanong dapat ay – ano nga ba ang destructive sa kontekstong ito? Kung sila ang pagba-basehan natin, ang destructive raw ay mga maiingay, mahilig magdikit ng mga propaganda at mga panawagan, mga mahilig sa rally, at mahilig mag-aral ng mga bagay na hindi naman laging itinuturo sa akademya. Sa madaling sabi, aktibista. Sa unang tingin, mukhang tama naman sila, destructive nga tayo. (o mas tama bang distracting? ang gugulo kasi magsalita ng mga tinamaan ng lintek na mga dilawan e.) Ang lakas nga naman natin makabulahaw ng mga klase, ng mga professor na nagle-lecture, at ng mga natutulog. Pero kasi, may counter-proposition ako sa mga sinasabi nila. Hindi ba at mas destructive (distracting) ang katahimikan? Kapag may inaapi at nanahimik ka lang habang nanonood, hindi ba at mas nakakainis yun? Kapag mayroong mga anti-estudyanteng mga polisiya ang administrasyon ng PUP na ipinatutupad, at hindi ka pumalag, hindi ba at mas nakakapikon ang ganun? At hindi ba mas nakaka-buwisit na ang Kilos Party (KALIPI) , na youth-wing ng Liberal Party, ay lilitaw lang sa panahon ng eleksyon sa PUP, at pagkatapos ay magpapanggap na mga tunay na nagsilbi sa mga iskolar ng bayan at pagkatapos ay magbabato ng kung anu-anong paninira sa SAMASA Party. Nagulat ako, ngayon ko lang sila nakitang ganito ka-desperado. I can now say that I have seen a party that is so pathetic that it even exceeds the word’s dictionary meaning. πŸ™‚ Subukin nating i-transgress ang salitang DESTRUCTION. Ito siguro ang ginagawa ng SAMASA. Ano nga ba naman ang panandaliang ingay na idinudulot ng mga rally kumpara sa longterm effect nito para sa pagtatanggol sa mga karapatan ng mga iskolar ng bayan?

ANG SABI NG KILOS PARTY AY HINDI RAW NAG-AARAL ANG MGA TAGA-SAMASA PARTY, KAYA’T HINDI SILA KARAPAT-DAPAT MAMUNO

Hayaan ninyo na gumamit ako ng kaunting aral mula kay Plato. Ang sabi kasi ni Plato, “for a government to be effective, the ideal leaders should only be of one class distinction, the PHILOSOPHER-KINGS. Those who are critical thinkers and posses wide knowledge about their society. Brave but wise, and are ready to make the sacrifice of leaving their own personal interests behind, even their family’s interests, for the sake of their country’s well-being.” Simple at maisking aral mula sa Ancient Philosophy ni Plato. Pero alam na natin dapat kung ano ang gusto kong sabihin. Akma ang aral na ito para sa SAMASA at sa kagustuhan nitong mamuno at magsilbi sa mga Iskolar ng Bayan. Nakakainis, tatlong taon na akong nag-aaral sa PUP, at talong taon ko na rin naririnig sa Kilos Party na ang mga taga-SAMASA ay hindi nag-aaral. Anak ng tinapa, sabihin niyo na na nagyayabang ako, pero kung magyayaya ako ng debate sa kanila, malakas ang loob ko na ako ang mananalo. Dahil alam kong nag-aaral ako, hindi lang ng mga araling pang-akademya, kundi maging ng society ko. ( take note of the word society. ayoko gamitin ang salitang lipunan, masyado na ata siyang typical tibak word. haha)

HINDI KO ALAM KUNG BAKIT NAPAKA-PERSONAL NG MGA ATAKE NG KILOS PARTY SA SAMASA PARTY

One word – PATHETIC. Nakita ko sa fanpage ng Kilos, litrato ni former Student Regent Henrie Enaje, may hawak na pera, naka- Dolce and Gabanna na salamin sa mata. Ang sabi ng Kilos Party, hindi raw siya sumusunod sa prinsipyo ng mga aktibista ng simpleng pamumuhay at puspusang pakikibaka. Teka, teka. Naisip ko, kapag hindi nag-ayos ang mga taga SAMASA, ang tawag sa amin ay mababaho at madudusing. Kapag naman nagbihis ng maayos batay sa kanilang pamantayan, ang saabihin sa amin ay tumatalikod kami sa aming prinsipyo. Saan kami lulugar nito? Ang ganitong prinsipyo ay isinasabuhay, sabay sa pagpapanibagong-hubog ng tao, sabay sa paglahok sa pagbabagong panlipunan. Hindi puwedeng hiwalay, hindi puwedeng biglaan. Kasalanan ba ni Henrie Enaje, for that matter, na ganoon ang kanyang salamin? Papaano kung peke lang pala ang kanyang D&G niya, ano na sila? Papaano kung personal niyang pera ang hawak niya, ano na lang ang gagamitin nilang propaganda?

ANG SAMASA PARTY RAW AY FRONT NG MGA KOMUNISTA SABI NG KILOS PARTY

Isang tanong para sa kanilang lahat. Bago nila punahin ang salitang komunismo, alam ba nila kung ano ito? Alam ba nila ang thery ng class struggle ni St. Simon? Ang dialectics ni Hegel? Ang materialism ni Thomas Hobbes at Baruch Spinoza? E ang human potential at alienation ni Marx? Papaano pa ang superstructure at base structure? This, if synthesized properly, will be the framework of communism. Kapag naintindihan na nila ito, at nakagawa ng counter arguments na mahusay laban dito. Baka sakali maniwala ako sa inyo. E ano kung communist ang tao? Ang sabi sa 1987 Constitution, malaya tayong maniwala sa mga bagay o adhikain na gusto nating paniwalaan, kahit relihiyon, hindi itinatakda. Pero meron ba silang kahit isa na naiintindihan dito para i-tag ang SAMASA bilang front at recruiter ng mga komunista? Sa logic, hindi suportado ng unang premise ang ikalawa, fallacy ang labas nito, o assumption. Patay tayo kapag ganon. Mga paratang na nakalutang sa hangin, putik na ibinabato sa kalaban na tanda ng desperasyon.

SAMASA PARTY- TUNAY, PALABAN, MAKABAYAN!

Buo ang aking loob na hindi kailanman magiging epektibo ang mga paninirang ibinabato sa SAMASA. Lalo lamang nitong inililitaw ang desperasyon ng kabilang partido na humawak ng posisyon, sukdulang manira ng kanilang mga kapwa estudyante gamit ang mga walang basehan at mga personal na atake.

Naniniwala ako/ kami na maipagtatagumpay namin ang laban dahil sa suporta ng malawak na hanay ng mga iskolar ng bayan sa aming TUNAY, PALABAN, AT MAKABAYANG PARTIDO. Hindi na namin kailangang makipagsabwatan, hindi na rin namin kailangang mandaya. Dahil nakasandig ang aming elektoral na laban sa malalim naming pagkakaugat sa mga iskolar ng bayan at sa buong komunidad ng PUP.

(pasensya kung mahaba. ang dami kasing kailangang linawin.)

Isang personal na paglilinaw hinggil sa pag-angal ng mga dilawan. (hindi ito stand ng buong party, ok?)

Posted in Uncategorized on Pebrero 28, 2010 by carloislord

Ayoko naman ito gawing sobrang haba. Ayoko rin naman kasi na magmukhang defensive tayo masyado. Kailangan lang na makapaglinaw. Ang laki kasi ng problema ng mga tinamaan ng lintik na mga dilawan. Ok, game.

Ganito ang nangyari. Ang sabi ng Comelec sa PUP, ang filing ng candidacy ay hanggang alas-tres lang ng hapon ng Feb. 17. Ang una ko pa ngang alam e hanggang alas-dose lang dapat. Walang problema yung SAMASA party. Kasi kami, nakapag-file na before 12 pa. Kaya nga maaga rin kami nakapag-kampanya. Kaya nga nakasama kami sa SAMASA Convention. Ang problema ganito, pag-akyat namin ng kasama kong paralegal rin ng SAMASA sa Comelec office para kumustahin kung sarado na ang filing, inabutan namin na nagfa-file pa ang Kilos-COA. Ok, wala kaming habol doon dahil sa ine-entertain pa sila ng Comelec. Ang ruling kasi ng Comelec, pwede na lang i-entertain ang mga nagfa-file ng candidacy nila basta’t nakapasok ang paralegal ng nasabing partido sa opisina nila bago ang 3pm deadline. Ok, kaya raw considered pa ang Kilos-COA.

Ang may malaking problema kasi e ang Kilos-CEFP. Pumasok sa opisina ng Comelec ang kanilang paralegal para mag-file ng candidacy ng lagpas sa oras na nakatakda. Ito ang simula ng kanilang problema. Pwede ko na rin sigurong sabihin na ito ang naging simula ng kanilang katapusan sa 2nd floor. πŸ™‚

Debateng umaatikabo sa pagitan naming mga paralegal ng SAMASA at sa mga paralegal nilang secret. haha (mga tarantadong dilawan. hinahanap namin kung sino ang paralegal nila sa CEFP at sa CE, ang sagot ba naman sa amin e secret raw. gago talaga.) So ang nangyari ay ganito, nagbigay ng ruling ang Comelec na magkakaroon na lang ng paralegal meet noon ring araw na iyon upang makapag-hapag kami ng aming mga batayan at ng makapagbigay na rin ang Comelec ng kanilang desisyon.

Mahirap detalyehin yung buong nilaman ng paralegal meet. Ang masasabi ko lang e comedy sila. Anak ng tinapa, ang inaasahan kong mga kadebate sa kanila, bilang mga taga Kilos na naglalako ng self-proclamation nilang academically excellent raw sila, e mga matatalino sila. Putangina. Kahit sa context sarili nilang context ng matalino, hindi sila papasa. πŸ™‚ Ang isa sa mga pinakanakakatawa nilang sinabi ay ito — na kung sakali raw na hindi pumabor ang ruling ng Comelec sa kanila, ang sabi nila ay magsasampa raw sila ng motion for reconsideration. Sabi namin, malamang. Dapat lamang nilang gawin yun, karapatan nila iyon. Ang sabi pa namin, sakali at hindi pa rin sila kuntento sa desisyon ng Comelec sa kanilang motion for reconsideration, pwede naman sila maghabol sa SCA (student council assembly). Ito kasi ang nakasaad sa ERR (election rules and regulations). Ang sumunod nilang sinabi ang nagpatawa talaga sa akin. Hindi raw nila ito gagawin dahil illegal raw ang ERR na ginagamit na batayan at gabay ng Comelec. Anak naman ng tinapa, kung illegal pala ang ERR at ang Comelec, e bakit pa sila naghahabol na bigyan pa sila ng consideration ng Comelec? Bakit pa sila nag-file ng certificate of candidacy para lumahok sa eleksyon, in the first place? At bakit pa nila hinihintay ang descretion ng Comelec sa kanilang apela. Mga tanga. πŸ™‚

Nagbigay na ng ruling ang Comelec. Hindi na sila pwede mag-file dahil hindi sila umabot sa takdang oras.

Ito lamang ang aking sagot sa kanilang mga paratang na mayroong sabwatan ang Comelec at SAMASA para gipitin at i-disqualify sila — handa ang SAMASA-CEFP at maging ang buong partido ng SAMASA sa PUP na lumahok sa isang halalan na Kilos Party ang kalaban. Panatag ang aming loob na maipagtatagumpay namin ang laban dahil sa suporta ng malawak na hanay ng mga iskolar ng bayan sa aming TUNAY, PALABAN, AT MAKABAYANG PARTIDO. Hindi na namin kailangang makipagsabwatan, hindi na rin namin kailangang mandaya. Dahil nakasandig ang aming elektoral na laban sa malalim naming pagkakaugat sa mga iskolar ng bayan at sa bung komunidad ng PUP.

Hindi naman dapat mawalan ng pag asa ang Kilos. Pwede pa naman sila mag-file ng motion for reconsideration. Hindi naman nilang kailangang umatungal sa opisina nila. πŸ™‚

Piece of advice para sa kanila, hindi naman kasi hahantong sa ganun ang problema nila kung naghanda sila at nag-file ng mas maaga. Kung sa bagay, naiintindihan ko naman sila. Mahirap nga naman manghikayat ng mga estudyante na tumakbo sa ilalim ng partido nila. Papaano nila mapapapaniwala ang mga estudyante e hindi man lang sila kilala ng mga iskolar ng bayan. Papano, parang mga kabute na lumilitaw lang kapag tag-ulan, sila lumiitaw lang sa panahon ng eleksyon.

Ayan napahaba tuloy. :))

Kalkal, Kalikot

Posted in Uncategorized on Enero 24, 2010 by carloislord

Kanina, nanonood ako ng Criminal Minds. May bagong labas na kasing episode. Tuwan tuwa naman ako. Para sa mga hindi nanonood nito, bahala kayo kung paano kayo makaka-relate sa sinasabi ko. Hindi, joke lang. Ok. Ang Criminal Minds e isang series tungkol sa mga FBI Behavioral Analysts na nanghuhuli ng mga serial killers, mga arsonists, bombers, psychopaths, at mga sociopaths. So basically, parang CSI rin. Pero they do not really deal with the tangibles that much. Ang mas binibigyan nila ng pansin, yung behavior ng kriminal dun sa krimen, and from that, dun sila kumukuha ng pattern para mahuli ang may sala. Komplikado, so subukin niyo na lang na panoorin.

Naisip ko, sa Amerika, uso ang mga serial killers. Mga tao na tinalikuran ng lipunan. O sila ba yung tumalikod sa lipunan? A basta. Mga tao na maraming sikreto. Para mag-materialize yung mga pantasya nila para sa pagpatay. Pero sa Pilipinas, walang ganun. O baka meron, pero sobrang bihira lang. Bakit? Kasi kahit yung pag-aaway niyo ng asawa mo dahil sa panty na pula ang suot mo, at itim ang ang gusto niya, alam ng kapit-bahay mo. πŸ™‚ Ang daming mga tenga na laging naka-abang, ang daming mga tambay na nasa kanto, handa kang tagayan para mag kwento ng problema mo.

Wala na atang konsepto ng privacy ang mga Pilipino.

Kasabay sa mabilis na pag-usad ng modernong teknolohiya, ay ang mabilis naman na pagkabura ng salitang “privacy” sa diksyunaryo ng mga Pilipino. Subukan nating isa-isahin.

Una’y ang cellphone. Ang alam kong paggamit ng cellphone ay para maka-contact kaagad sa mga tao na kailangan kausapin, sa mga pamilya at kaibigan na malayo sa atin, sa mga nanliligaw na torpe at hindi kaya makipag-usap ng personal, at para sa mga magkarelasyon na nagtatago sa magulang, hindi pwede magkita, kaya text na lang. Ang hindi ko maintindihan e kung bakit kahit sa text, para tayong nagpapapansin. Nung minsan may nagtext sakin, ang sabi, “gUd aFteRNUn, kaEn Na kaU poH luNCh. AqoH poH ulAm qoH SiniGaNg.WhaG poH fpapAgUtoM.” Labo. Ok. Salamat sa pagiging concerned. Salamat sa pag-alala. Thoughtful mo naman. Pero putangina naman. Ano bang pakialam ko kung sinigang ang ulam mo? Minsan pa may magtetext, lasing daw sila, nalulungkot, pinagalitan ng nanay, kinikilig sa mga nanliligaw sa kanila. Mga group message na hindi mo naman alam kung bakit ka nadadamay sa kanila. Mga group message na walang katuturan, sayang pa sa battery ng cellphone ko.

Tapos ngayon syempre, uso na ang Facebook ,Twitter,at lalo yung mga Blog (gaya nito). Olats na yung friendster. Sa mga social networking sites na tulad nito, tinuturuan nila tayong magpapansin. Tinuturuan nila tayong magpilit na maging mga artista. Na parang kailangan sa mga post natin, laging may mga nagco-comment. Na laging may nagcha-chat. Lalo na sa Twitter. Isang site na ilalagay mo yung mga ginagawa mo, kahit ano, kahit walang kwenta, kahit na sinisira mo na yung privacy ng pagkatao mo. Blah-blah is eating a blackforest cake right now from red ribbon. Drinking coffee at starbucks. Surfing the net with his Macbook. Fucking at Princeton Hotel.

Ang technology, tinuturuan tayong mag-self destruct. Na wasakin yung isang bagay na innate sa mga tao. Kasabay sa pagtanggap at pakatuto natin sa pagamit ng mga makabagong teknolohiya ay ang pagsuko natin sa ating mga pribadong buhay. Hinahayaan natin, na para tayong nag-iimbita na kalkalin, kalikutin, at babuyin ang mga buhay natin. Parang The Buzz at SNN. Pati reality, ini-infiltrate. Full, absolute surrender.

Tignan mo na lang ang Pinoy Big Brother. Reality show. Pinapakita raw ang reyalidad ng buhay. Alin dun ang reality? Na magtatayo ka lang ng tower na ide-defend mo from other people that would want to bring it down, e meron ka ng one week supply ng pagkain? Sarap naman ng buhay pag ganun. πŸ™‚ Actually, ang concept ng Big Brother ay mula sa libro ni George Orwell na 1984. Merong isang big brother na laging nakabantay sa mga citizens nung state na yun. Kumbaga, 24-hour surveillance. Sa political view, totalitarian ang dating. Pero sa isang bansa na tulad natin, na hindi naman declared ang martial law, (pero parang meron) sino nga ba ang Big Brother na nag i-infiltrate sa privacy ng mga buhay natin? Ang technology ba, o tayo mismo?

Ang sabi ng isang professor sa PUP, si Dekki (Dekki Morales. hanapin niyo na lang.:) ), bunga raw kasi ito ng consumerism na itinuturo sa atin ng mga kapitalista. Actually, hindi naman itinuro, parang mind conditioning. Sa culture idinaan, hindi lang basta economic ang usapan. Mas swabe kasi sa culture. Hindi self imposing, hindi mo maramdaman yung power na nagdo-dominate sayo. Dahan-dahan ka na palang ginagapang. Yuck gapang. Parang manyak.haha Sa society kasi natin ngayon, kapag hindi ka sikat, para ka na ring non-existent. Kaya merong need para sa pagpapapansin. Sa Philosophy naman, nakita na rin yang problema na yan dati ni Thomas Hobbes. Sabi niya sa kanyang akda na “Leviathan”, people come down to a consensus to create a society because of the need for self-preservation as social beings. Si Baruch Spinoza naman, sabi, man is by nature afraid of solitude. Kaya pala kailangan natin magpapansin. Ayaw natin mag-isa.

So ang tanong ay ito. Cultural ba o Economic ang ugat ng problema? Sociological ba o Philosphical ang dapat na approach? Meron nga ba talagang problema?

Hindi ba at kahit ang pagsusulat ko nito, (bilang blog) ay self destructive na rin sa context ng privacy ng thoughts ko? Labo.

Teka, magsa-status update muna ako sa Facebook ko, Carlo Sales has a new blog now.

Naalala Ko Lang Bigla

Posted in Uncategorized on Disyembre 16, 2009 by carloislord

Ang sabi nung isang kakilala ko dun sa post niya sa FaceBook, hindi daw niya alam kung bakit bigla na lang daw siyang natutulala sa mga panahon na ‘to. Ang daming sumagot, baka daw gutom siya o nababaliw, o inaantok. Di naman daw. Naisip ko naman, papaano niya nalaman na natutulala siya kung nandun siya sa state ng pagkatulala? hehe. Ayun, as usual, nag-Alien Talk na naman daw ako. Pag ba nagtanong Alien na? Ayos pala yung mga alien. Matanong. Hmm. Pero feeling ko, di uubra yung mga Alien dito sa Pilipinas. Yari sila kay Great Leader A.K.A Pambansang Nunal. Kasi naman, ang mga matanong dito sa Pilipinas, imbes na tawaging matalino, bigla na lang dinudukot, o kaya pinapatay. Yari talaga. Kaya siguro namatay si Kokey. :))

Pero salamat na din sa post na yun, may naalala tuloy akong bigla.

Nanonood ako ng balita kagabi, tapos napanood ko na based on the SWS survey yung lamang ni Noynoy Aquino kay Manny Villar e lumiit na. Halos 8% na lang ata. Not sure about the figures.

Noynoy Aquino. Hmm. Ulit. Hmm. Ulit. Hmm. haha :))

Ang lapit-lapit na ng eleksyon, at meron pa rin akong mga bagay na hindi maintindihan. Anak naman ng tinapa.

Bakit ba kasi tatakbo pa si Noynoy Aquino? Nai-post ko na din yata sa mga nakaraang blog ko ‘to, pero masarap talagang ulitin.

Dahil lang ba sa nanay mo si Cory Aquino, na dating Presidente ng Pilipinas, at tatay mo si Ninoy Aquino, na tagapag-tanggol daw ng demokrasya natin (hanep nga naman ano? Si Ninoy, parang si Shaider, ang pulis pangkalawakan– TAGAPAGTANGGOL), e dapat ka nang tumakbo para sa pinakamataas na posisyon sa bansa natin? Ano nga ba ang credentials mo? Dahil lang ba sa namatay ang nanay mo e ginising na daw nito ang “DAMDAMING MAKABAYAN” ng mga Pilipino kaya naman itinulak ka nila para tumakbo? Pasikatan na lang ba ito ng nanay? E di sana si Manny Pacquiao na lang. Mas kwela, mas groovy pa ang nanay na si Aling, este Donya Dionisia. :))

Ilan lang naman talaga ang mga bagay na nakakapagpa-init ng ulo ko:

1. Mga fans ng mga artista na akala mo, wala ng ibang dapat atupagin kundi yung mga idolo, o mas tamang tawagin na mga Diyos nila.

2. Kapag naririnig ko yung kanta na tungkol sa mga lalake na gusto yung mga bakla.

3. Mga F.M radio stations na puro kapulpolan ang sinasabi, at

4. Mga Pilipino na “ningas kugon”. Napakaiksi ng memory span

For the nth time– putangina naman. Bakit niyo trip si Noynoy Aquino? Nakalimutan niyo na ba ang HACIENDA LUISITA MASSACRE?

14 na mg magsasaka at manggagawang bukid ang pinag-babaril, at walang awang pinatay habang sila ay nasa picketline dahil sa kanilang panawagan sa maayos na lupang sakahan, makataong trabaho at pagpapasahod. Akalain mo nga naman, 199 pesos lang ang suweldo nila kada araw, malayong malayo sa minimum wage noong panahon na iyon (2004), at kapag ibinawas ang utang, at kung anu-ano pang mga kaltas, magiging 9.50 na lang ang kanilang sahod. Sino nga naman ang hindi magagalit? Hawak mo yung karet nang buong maghapon, tagpas ng tagpas ng mga tubo, habang si Cory Aquino, walang ibang alam gawin kundi mag-rosaryo, at ang bunsong anak na si Kris Aquino, hayun at umaarte sa t.v at radyo. Gago. Gaga pala. Sila. :))

Alam na natin ang nangyari. Nag-picket ang mga manggagawang bukid para marinig ang kanilang mga hinaing. Imbes na makataong sagot, batuta, truncheon, teargas at water cannon ang itinugon. Para nga naman mabuwag ang hanay ng mga welgista. And when all of these failed, they resorted to shooting the farmers, head-on, open fire. 14 ang patay. Maraming sugatan. At ang ating Great Leader, kasama ang dating DOLE Secretary Patricia Sto. Tomas, sinisi pa ang mga magsasaka. Sa kanila daw nagmula ang provocation kaya naging violent ang nangyaring action. Violent nga ba o benevolent na? Baka pandemonium? O fatal? Tapos si Cory, dinaan sa pagro-rosaryo. Si Kris, sa Deal or No Deal, at si Noynoy “the WIGman” Aquino, sinabi pa na mga NPA raw na kasama sa hanay ng mga magsasaka ang nanggulo, kaya umabot raw sa ganoon ang nangyari.

14 apat ang namatay, pero higit pa sa labing apat na buhay ang mga nabago, at nasira dahil sa kahayupan ng Pamilya Cojuangco at ng Gobyerno ni Great Leader A.K.A Pambansang Nunal.

Ngayon ninyo sabihin sa akin na si Noynoy ang tagapagtanggol ng demokrasya. Ngayo ninyo sabihin sa akin na si Noynoy Aquino ang tagapamandila ng Bagong Uri ng Politika sa bansa natin. Ngayon ninyo sabihin sa akin na si Noynoy ay may malasakit para sa mga Pilipino.

Ang tamis nga naman ng asukal mula sa Hacienda Luisita.

(Heto ang isang tula)

BALLAD OF THE SUGARCANES
-Jaime Dasca Doble

Stand fast, dear comrades!
Hold the lines against
these mad bulls charging
with such arrogance.

They force upon us
an early harvest and run
us to the ground, but
time remains on our side.

They will flood our ranks
with wild water and wood.
They will use bitter smoke
and fire to cut us down.

But our great reason binds us
as we march together,
pledging only the truth
that no paper wishes to capture.

We will not be afraid
of their guard dogs who bark
and salivate at our sweetness.
Our gaze will lock up their jaws.

Remember each wager
as a sign of deceit. Let us mark
every face that conspires
to delay our advance.

Keep the line marshals
ever vigil. Protect our mothers
and children. Our love for them
assures us of victory.

Some of us may fall, but
as the wind sharpens
the last quarter of the year,
we will find room to maneuver.

They will withdraw as dusk
falls on the frontline. And at dawn
we will strike again, unleashing on them
the whip-blood of our martyrs.

Basagan ng Itlog

Posted in Uncategorized on Nobyembre 17, 2009 by carloislord

Ang tagal tagal na mula nung huli akong nag-post ng blog dito. Ang pakiramdam ko kasi, parang nagiging robotic na ang buhay ko. Na para bang umiikot na lang sa isang malaking routine yung tinatakbo ng buhay ko.Kaya walang interesting na ilagay dito. Teka, bakit ngayon ko lang ‘to napansin? Ang bagal ko naman mag-isip.

May tanong tuloy ako, malaya nga ba ang tao tulad ng sinabi ni Heidegger na “men are condemned to be free”? Teka, si Heidegger nga ba ang nagsabi nun o si Sartre? A basta ang alam ko mga existentialist sila. Balik sa freedom, malaya nga ba tayo, o nagiging robotic na tayo? Slave kumbaga. Teka ulit, papaano kung slave tayo ng kalayaan? We are the slaves of freedom. Anak ng… πŸ˜€

Pero syempre, babalik ulit tayo sa title ng kuwento ko. Basagan ng itlog. Hmm. Bakit pag ito yung statement, pain agad ang pumapasok sa isip ko?

Ang sabi ni Chairman Mao Tse Tung, a revolution is not a picnic. Tama nga naman. Ang rebolusyon, batay sa mga naririnig ko sa mga aktibista na laging naghuhumiyaw sa PUP e, isang proseso ng pag-agaw sa pampolitikang kapangyarihan ng isang uri mula sa isa, for that matter, yung proletariats against the bourgeoisie.

Bigla tuloy ako napaisip, kaya pala ganito sa Pilipinas. Dahil mula 1986, hanggan noong 2001, ang mga ipinagmamalaking rebolusyon ng mga Pilipino sa buong mundo, ibigsabihin yung EDSA, e hindi naman talaga rebolusyon, ni hindi nga papasa na picnic sa konteksto ng picnic ni Chairman Mao e, mas tama sigurong tawagin na EDSA PEOPLE POWER FIESTA. Oo. Fiesta. Bakit? E saan ka nga ba naman nakakita ng political rally na may nagsasayawan, nagkakantahan, at mga tao na kahit tutukan ng baril at tangke e tatapatan lang ito ng bulaklak? Siyempre, only in the Philippines. Kaya nga naman, dapat, yung mga text books ng mga elementary at highschool students, dapat ng i-revise. Teka, lagi naman yun revised. Pero bakit parang wala naman napapalitan? Nananatiling mali-mali yung nakalagay sa mga libro, at mga kabataang kapag kinausap mo ay wala sa wisyo. Hmm. EDSA REVOLUTION o EDSA FIESTA?

Hindi ko maubos maisip kung bakit ganito ang mga Pilipino. Nakatira tayo sa isang tropical country na ang ibigsabihin e mas madalas na mainit kesa malamig ang panahon, plus the island heat effect sa mga city, plus the climate change/global warming issue, plus a moronic, elf-like president that we have right now (oops, mamaya pa yung banat ko sa Great Leader natin) kaya naman talagang dapat na tayong mainitan, ng pakiramdam (hindi yung iniisip mo, bastos) at lalong lalo na, dapat ng mag-init yung mga ulo natin. Pero ewan ko ba, siguro talagang puno lang ng pasensya ang mga Pilipino.

Pagbigyan niyo na ako, ngayon lang– Tangina.

Bakit ang daming mga Pilipino na nagkakanda-kuba sa pagta-trabaho araw-araw at matapat sa pagbabayad ng buwis nila, ang hanggang ngayon e hindi pa rin nagagalit sa mga kalokohang ginagawa ng gobyerno, lalo ni Great Leader a.k.a Pambansang Nunal sa atin?

Bakit ang daming mga Pilipino na wala ng makain kahit ang sipag-sipag naman sa trabaho, yung mas pinipili pang problemahin yung problema ni Kim Chiu at Gerald Anderson kesa sumama sa mga rally na nananawagan ng rebolusyon, este, pambansang demokrasya pala.

Tignan mo nga naman ang irony ng mundo. Kung sino ang karpintero, siya yung walang bahay.

Kung sino ang magsasaka, siya yung walang makaing kanin.

Pero kasi, minsan, nakakabadtrip isipin, na halos nakasubo na sa mukha mo yung mga problema, at nakalatag na ang lahat ng kundisyon para ikaw ay magalit at magrebolusyon dahil sa katarantaduhang ginagawa sa’yo ng gobyerno, mas pinipili mo pang problemahin kung kelan darating sa Pilipinas si Hannah Montanna, o kung kelan nga ba aamin si Papa Piolo Pascual na bakla siya. πŸ˜€

Bakit nagkakasya na lang tayo na daanin sa ngiti yung mga problema natin kesa kumuha ng dos-por-dos at gamitin para basagin yung bungo ng mga congressmen natin na mas pinili pang manood ng laban ni Pacquiao kesa tumulong sa mga nasalanta ng kalamidad. Bakit nagkakasya na lang tayo na daanin sa dasal yung mga bagay na alam naman natin na nangangailan ng agarang aksyon at pagkilos. Bakit nagkakasya na tayo sa pagsuot ng dog-tag ng Ako Mismo at pag register sa Boto Mo I-patrol Mo kung mas masarap sa pakiramdam yung pumunta ka sa Malacanang at House of Representatives para pukulin ng kamatis o kaya bato, yung mga halimaw na nakatira doon.

Dapat di lang itlog ang binabasag, pati bungo nila. O kaya, nunal ni Great Leader. Sana brittle yun.

Siguro dahil sa pop culture ng panahon. Hmm. Teka, ibang usapan na yun.

Kung Bakit Mahirap Magtiwala

Posted in Uncategorized on Oktubre 10, 2009 by carloislord

Anong buwan na ba ngayon? Oktubre na pala. Kung susumahin, halos 7 buwan na lang at panahon na naman ng halalan. Para sa mga tao na nangagarap na maging susunod na Pangulo ng republika ng Pilipinas.

Marami na rin nangyari sa loob ng halos ilang buwan, mula ng magdeklara ang ilang mga politiko ng kanilang interes sa pagtakbo. Si Mar Roxas umatras na sa pagkandidato, kasi si Noynoy yung tatakbo para sa Liberal Party. Ang bait ni Mar. Para raw kasi sa greater good of the Filipino people yung kanyang gagawin (ginawa). Ang nakatatawa, at nakagugulat na rin, ay kung bakit. Dahil lang sa pagkamatay ni dating Pangulong Cory Aquino, diumano, ay muling nabuhay ang damdaming makabayan ng mga Pilipino, kaya naman pinili ng marami ( na sa totoo’y kaunti lamang) na tumakbo bilang pangulo si Noynoy, na anak ni Cory at Ninoy. Tiwala ang mga tao, kahit mga political analyst, na hindi raw sisirain ni Noynoy ang pangalan at legacy na iniwan sa kanya ng kanyang mga dakilang magulang. Nakakapagtaka lang, ang bilis magtiwala ng mga Pilipino. Dahil lang sa ang magulang ni Noynoy ay ganoon, automatic na rin ban a si Noynoy ay magiging ganoon na rin? Teka, marami pang kuwento. Si Bayani Fernando, bitter na lang kasi hindi siya ang pinili ng LAKAS-KAMPI CMD na maging Standard Bearer ng Partio nila. Talo siya sa debate kay Gilbert Teodoro. Si Chiz Escudero, naghihintay na lang ng Birthday bago magdeklara ng pagtakbo. At si Manny Villar, hayun at patuloy pa rin sa paggastos.

Talaga nga naman at malapit na ang halalan. Kahit mga Media Groups, mainit na rin sa pagbabantay sa darating na eleksyon. Marami na talagang campaigns para raw masigurado na katiwa-tiwala ang magaganap na halalan sa 2010.

Kung iisipin, aba, mukhang malaki pa rin ang tiwala at sampalataya ng mga tao na magbabago ang paghihirap nila sa kasalukuyang sistema ng dahil sa eleksyon na darating. Na ang bawat boto na kanilang isusulat sa balota ay mangangahulugan ng pag-aambag sa pagbabagong panlipunan.

Sa konteksto, at mandato ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, nakasaad na ang pagboto ay hindi lamang isang karapatan, kung hindi ay isa rin obligasyon para sa pagtulong upang mabago ang umiiral na sistema sa ating lipunan. Bahagi raw ito ng ating Demokrasya. Aba. Ang sarap pakinggan.

Pero kasi, ang hirap nang magtiwala.

Huwag naman sanang isipin na ako ay isang skeptic, na walang ngang tiwala sa mga nangyayari sa ating lipunan. Mayroon pa naman akong tiwala. Lamang, ako ay talaga naman na dalang-dala.

Kung pag-aaralan ang isang Pilosopo na si Friedrich Nietzsche, makikita ang batayan ng aking mga sinasabi. Isa siya sa mga nagtaguyod, kung hindi man nagpasimula sa pilosopiya ng NIHILISM. Pero ano nga ba ito. Simple. Si Nietzsche, bilang isang forerunner ng existentialism ay naniniwala na wala ng universal truth. Na wala na rin right or wrong dahil wala ng Christian God na siyang pinagmumulan ng lahat ng Moral ng bawat tao. Kaya nga ba at sa kanyang libro na Gay Science, sinabi niya na β€œGod is Dead, and we have killed him”. Hindi na kasi sumasapat pa, maging ang turo ng relihiyon upang magtiwala pa ang tao sa kasalukuyang sistema. Kahit ang relihiyon kasi, ay may bahid na ng dumi at katiwalian. Na ang inihahapag nitong mga katuruan, ay hindi na sumasapat upang mapabuti ang kabuhaya ng isang tao. Tulad halimbawa ng isang kasabihan. β€œBlessed are the poor in spirit, for theirs is the kingdom of heaven.”. Hala ka. Papaano kung wala naman talagang Kingdom of Heaven na naghihintay para sa mga mahihirap. E di habangbuhay nilang niloko ang sarili nila na sila ay pinagpala ng Panginoon?

Ganito ang Moral, at maging ang Existential Nihilism. Tinuturuan ang tao na magduda sa mga kasalukuyang sistema. Politikal man yan o ispiritwal, mahirap ang magtiwala. Siguro, kung marami ring Pilipino ang nakapagbasa na, kung hindi man naaral ang Nihilism ni Nietzsche, marami na ang nagbansag sa sarili nila na mga Nihilist. O baka Postmodern. O mga Antifoundationalist. Wala ng sampalataya ang mga tao sa kasalukuyang sistema. Ika nga ng ilang mga matatanda, β€œkahit sino pa ang ilagay sa puwesto, parehas lang na kurakot ang mga iyan!” Ang hirap na kasing magtiwala sa mga tao na namumno sa atin. Lalo na sa sistemang napakahabang panahon na na nagpapahirap sa atin. Si Marcos na diktador ay pinalita ni Cory na haling naman sa Privatization, na isa rin sa mga may-ari ng Hacienda Luisita kung saan marami ang pinaslang na magsasaka at manggagawang bukid. Si Erap na kurakot, pinalitan naman ng isang mas kurakot na, mas pasista pa na si Gloria Macapagal Arroyo. EDSA 1 na walang ibinunga na maganda, hanggang sa EDSA 2 na lalo pang napasama. Parang napakahirap nang maniwala sa ganitong sistema. Pangalan laman ang nagbabago, pero ang kahirapan ng tao, ganoon pa rin. O di naman kaya ay mas lalo lamang lumala.

Pero kung mayroong NIHILISM, gumawa rin naman si Nietzsche ng solusyon para rito. Kung hindi na nga naman sasapat ang Panginoon para turuan tayo ng tama at mali, bakit hindi tayo ang gumawa ng sariling verion natin nito? Nagpanukala siya na palitawin ang mga bagong uri tama at mali. Na tinawag niya na revaluation of values/ morals, na ang mga tao rin ang magtatakda.

Ang panukala ko naman ay ito. Bakit kaya hindi magkaroon ang mga Pilipino ng sarili nitong version ng revaluation of values/ morals sa usapin ng sosyo-politikal na pagbabagong panlipunan?

Kung mahirap nang magtiwala sa ganitong klase ng sistema, mas mahirap naman yata na mayroon ka ng disgusto, o ikaw ay diskontentado na sa sistema, ikaw ay mananatiling tahimik at nagpapaloko. Masakit man na isipin, ganito ang karamihan sa mga Pilipino. Nagkakasya na lamang tayo na magtext sa Boto mo, I-Patrol Mo, o kaya naman ay magsuot ng dog tag ng Ako Mismo para sa pagsuporta sa pagbabago.

Hindi na ako mangangaral. Mag-iiwan na lamang ako ng paalala. Hindi tao ang dapat na binabago kung hindi ang sistema. At hindi kailanman sasapat ang halalan, o eleksyon para magdala ng tunay na pagbabago. Dapat siguro ay manawagan na ng rebolusyon.