Isang personal na paglilinaw hinggil sa pag-angal ng mga dilawan. (hindi ito stand ng buong party, ok?)

Ayoko naman ito gawing sobrang haba. Ayoko rin naman kasi na magmukhang defensive tayo masyado. Kailangan lang na makapaglinaw. Ang laki kasi ng problema ng mga tinamaan ng lintik na mga dilawan. Ok, game.

Ganito ang nangyari. Ang sabi ng Comelec sa PUP, ang filing ng candidacy ay hanggang alas-tres lang ng hapon ng Feb. 17. Ang una ko pa ngang alam e hanggang alas-dose lang dapat. Walang problema yung SAMASA party. Kasi kami, nakapag-file na before 12 pa. Kaya nga maaga rin kami nakapag-kampanya. Kaya nga nakasama kami sa SAMASA Convention. Ang problema ganito, pag-akyat namin ng kasama kong paralegal rin ng SAMASA sa Comelec office para kumustahin kung sarado na ang filing, inabutan namin na nagfa-file pa ang Kilos-COA. Ok, wala kaming habol doon dahil sa ine-entertain pa sila ng Comelec. Ang ruling kasi ng Comelec, pwede na lang i-entertain ang mga nagfa-file ng candidacy nila basta’t nakapasok ang paralegal ng nasabing partido sa opisina nila bago ang 3pm deadline. Ok, kaya raw considered pa ang Kilos-COA.

Ang may malaking problema kasi e ang Kilos-CEFP. Pumasok sa opisina ng Comelec ang kanilang paralegal para mag-file ng candidacy ng lagpas sa oras na nakatakda. Ito ang simula ng kanilang problema. Pwede ko na rin sigurong sabihin na ito ang naging simula ng kanilang katapusan sa 2nd floor. 🙂

Debateng umaatikabo sa pagitan naming mga paralegal ng SAMASA at sa mga paralegal nilang secret. haha (mga tarantadong dilawan. hinahanap namin kung sino ang paralegal nila sa CEFP at sa CE, ang sagot ba naman sa amin e secret raw. gago talaga.) So ang nangyari ay ganito, nagbigay ng ruling ang Comelec na magkakaroon na lang ng paralegal meet noon ring araw na iyon upang makapag-hapag kami ng aming mga batayan at ng makapagbigay na rin ang Comelec ng kanilang desisyon.

Mahirap detalyehin yung buong nilaman ng paralegal meet. Ang masasabi ko lang e comedy sila. Anak ng tinapa, ang inaasahan kong mga kadebate sa kanila, bilang mga taga Kilos na naglalako ng self-proclamation nilang academically excellent raw sila, e mga matatalino sila. Putangina. Kahit sa context sarili nilang context ng matalino, hindi sila papasa. 🙂 Ang isa sa mga pinakanakakatawa nilang sinabi ay ito — na kung sakali raw na hindi pumabor ang ruling ng Comelec sa kanila, ang sabi nila ay magsasampa raw sila ng motion for reconsideration. Sabi namin, malamang. Dapat lamang nilang gawin yun, karapatan nila iyon. Ang sabi pa namin, sakali at hindi pa rin sila kuntento sa desisyon ng Comelec sa kanilang motion for reconsideration, pwede naman sila maghabol sa SCA (student council assembly). Ito kasi ang nakasaad sa ERR (election rules and regulations). Ang sumunod nilang sinabi ang nagpatawa talaga sa akin. Hindi raw nila ito gagawin dahil illegal raw ang ERR na ginagamit na batayan at gabay ng Comelec. Anak naman ng tinapa, kung illegal pala ang ERR at ang Comelec, e bakit pa sila naghahabol na bigyan pa sila ng consideration ng Comelec? Bakit pa sila nag-file ng certificate of candidacy para lumahok sa eleksyon, in the first place? At bakit pa nila hinihintay ang descretion ng Comelec sa kanilang apela. Mga tanga. 🙂

Nagbigay na ng ruling ang Comelec. Hindi na sila pwede mag-file dahil hindi sila umabot sa takdang oras.

Ito lamang ang aking sagot sa kanilang mga paratang na mayroong sabwatan ang Comelec at SAMASA para gipitin at i-disqualify sila — handa ang SAMASA-CEFP at maging ang buong partido ng SAMASA sa PUP na lumahok sa isang halalan na Kilos Party ang kalaban. Panatag ang aming loob na maipagtatagumpay namin ang laban dahil sa suporta ng malawak na hanay ng mga iskolar ng bayan sa aming TUNAY, PALABAN, AT MAKABAYANG PARTIDO. Hindi na namin kailangang makipagsabwatan, hindi na rin namin kailangang mandaya. Dahil nakasandig ang aming elektoral na laban sa malalim naming pagkakaugat sa mga iskolar ng bayan at sa bung komunidad ng PUP.

Hindi naman dapat mawalan ng pag asa ang Kilos. Pwede pa naman sila mag-file ng motion for reconsideration. Hindi naman nilang kailangang umatungal sa opisina nila. 🙂

Piece of advice para sa kanila, hindi naman kasi hahantong sa ganun ang problema nila kung naghanda sila at nag-file ng mas maaga. Kung sa bagay, naiintindihan ko naman sila. Mahirap nga naman manghikayat ng mga estudyante na tumakbo sa ilalim ng partido nila. Papaano nila mapapapaniwala ang mga estudyante e hindi man lang sila kilala ng mga iskolar ng bayan. Papano, parang mga kabute na lumilitaw lang kapag tag-ulan, sila lumiitaw lang sa panahon ng eleksyon.

Ayan napahaba tuloy. :))

Mag-iwan ng puna